Shocked—ito ang naging reaksyon ni dating Iligan City Mayor Lawrence Cruz matapos siyang mapasama sa listahan ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Cruz, sa hinahaba-haba ng kanyang paninilbihan sa gobyerno, isa ang pagsugpo sa illegal drugs sa mga adbokasiya na kanyang isinulong.
Labing dalawang (12) taon na naging konsehal si Cruz, anim (6) na taong naging vice mayor at siyam (9) na taong naging alkalde ng Iligan City.
“Ngayon nagtataka ako sino ang may kagagawan nito? Somebody must have submitted that list, the President, hindi naman niya ako kilala personally na masabi niya bigla na dawit ako sa droga so somebody must have submitted it, so this is very unfortunate dahil nagagamit na itong listahan for whatever agenda, for whatever motives.”
Kasabay nito, sinabi ni Cruz na handa syang humarap sa Pangulong rOdrigo duterte upang magpaliwanag.
Kumikilos na rin anya sila upang kusang magtungo sa kinauukulan tulad ng Philippine National Police (PNP) upang linisin ang kanilang pangalan.
Maging ang pagkakadawit ng pangalan ni Cong. Vicente Belmonte Jr. ay inalmahan ni Cruz.
Sina Cruz at Belmonte ay kapwa miyembro ng Liberal Party.
“I know this person, he is never never involved in drugs, andaming tinutulungan na mga tao, mababanggit ko rin ang pangalan niya kasi hindi lang ako, kaming dalawa ni Congressman Vicente Belmonte, so if kaming dalawa ay mabigyan ng opportunity, ng very rare privilege to meet the President, and tell to him the truth.”
By Len Aguirre | Ratsada Balita