Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 2nd Division sa kasong katiwalian si dating Isabela Governor at Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Maria Garcia Cielo Padaca.
Ito ay matapos mabatid sa record ng korte na pinalitan ni Padaca ng guilty plea ang nauna nitong inihaing not guilty plea sa korte noong Setyembre.
Dahil dito, pinagmumulta si Padaca ng tig-isang libo (P1,000) sa bawat kaso o kabuaang apatnalibong piso (P4,000) para sa apat na bilang ng kasong paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees.
Ang kaso ay nag-ugat sa hindi paghahain ni Padaca ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth mula 2007 hanggang 2010.
Si Padaca ay nahaharap din sa kasong graft at malversation kaugnay ng P25 milyong pondo na inilaan nito sa Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. noong siya ay gobernador pa.
—-