Hinatulang makulong si dating Isabela governor at dating COMELEC Commissioner Grace Padaca dahil sa kasong katiwalian at malversation of public funds.
Ang kaso ay nag-ugat sa di umano’y pagpapautang ni Padaca ng P25 million sa asosasyon ng mga magsasaka nang hindi dumadaan sa public bidding noong gobernador pa ito ng Isabela.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, anim (6) hanggang 10 taong pagkakulong ang hatol kay Padaca sa kasong graft samantalang 10 hanggang 18 taon para sa malversation.
Hindi na rin kwalipikado si Padaca na humawak ng kahit anong posisyon sa pamahalaan.
Samantala, inatasan ng Sandiganbayan si Padaca na magbayad ng P140,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya habang ini-aapela ang hatol.