Napaslang ang isang dating barangay kagawad matapos tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Brgy. Salinas 1, lungsod ng Bacoor sa Cavite
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Eleuterio Calilung III
Sa imbestigasyon ng Bacoor City Police, pauwi na sa kanyang tirahan ang biktima at sakay ng kaniyang sasakyan na nang maganap ang pananambang
Nabatid na binuntutan hanggang sa dikitan ng isang itim na motorsiklo na may sakay na dalawang armadong lalaki ang sasakyan ng biktima habang binabagtas ang lugar at agad siyang pinagbabaril.
Matapos ang krimen, agad na sumibat ang mga suspek sa hindi malamang na direksyon.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaslang.