Nagsampa ng P3.5 milyong damage suit ang isang negosyante laban kay dating Laguna Congressman Edgar “Egay” San Luis dahil sa pagkabigo nitong bayaran ang pinaimprentang mga tarpaulin na ginamit sa pagtakbo nitong gobernador sa lokal na halalan sa Laguna noong 2013.
Ayon kay Marynie C. Balota, may-ari ng Signeffex Art Design ng Sta. Cruz, Laguna, nagpaimprenta sa kanila si San Luis ng mga tarpaulin at iba pang campaign paraphernalia noong panahon ng kampanya para sa naturang halalan.
Nakasaad sa kaso na sa humigit sa P4 Million kontrata ang inabot ng pagpapagawa ng tarpaulin, may natira pang P800,000 pagkakautang si San Luis na 3 taon ng hindi niya binabayaran kahit na makailang ulit na siyang sinisingil ng Signeffex.
Ang kaso ay isinampa sa Regional Trial Court sa sta. Cruz noong Oktubre 28, 2015. Ang Signeffex at may-aring si Mrs. Balota ay kinakatawan ni Atty. Carlo Gregorio.
By: Mariboy Ysibido