Hinatulan ng panibagong anim na taong pagkakakulong ang napatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ang dalawang tig-tatlong taong sentensya ni Suu Kyi ay dahil umano sa pagtanggap nito ng suhol mula sa negosyanteng si Maung Weik na umabot ng 550,000 dollars.
Mariin namang itinanggi ni Suu Kyi ang paratang laban sa kanya.
Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 26 na taong pagkakakulong ang sentensya para kay Suu Kyi na nahaharap sa limang iba pang corruption charges. – sa panulat ni Hannah Oledan