Dapat kasuhan ng smuggling si dating Land Transportation Office (LTO) Chief Virgie Torres.
Panawagan ito ni Senador Francis Escudero matapos magtangka si Torres na makipag-negosasyon sa Customs para sa release ng umano’y smuggled sugar na nagkakahalaga ng P100 million pesos.
Sinabi ni Escudero na dapat magpakita ng malakas na mensahe ang BOC na seryoso ang administrasyon na labanan ang smuggling at panagutin ang mga sangkot dito.
Kaugnay nito, muling isinulong ni Escudero ang panukalang paglabag sa batas ng mga sangkot sa influence peddling.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)