Ipinaaaresto ng Sandiganbayan 6th Division si dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan.
Tatlong (3) warrant of arrests ang inilabas ng Sandiganbayan 6th Division para sa mga kasong may kaugnayan sa di umano’y maanomalyang school building projects na nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang (72) milyong piso.
Si Ampatuan ay nahaharap sa isandaan at tatlumpu’t pitong (137) kaso ng falsification of public documents, apat (4) na kaso ng malversation of public funds at apat (4) na kaso ng graft.
Itinakda ni Justice Rodolfo Pon ferrada ng 6th Division piyansang 3.5 milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ni Ampatuan.
Kasabay nito ay naglabas na rin ng warrant ang Sandiganbayan laban sa anim (6) na kapwa akusado ni Ampatuan sa kaso.
By Len Aguirre | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Ex-Maguindanao Governor Sajid Ampatuan ipinaaaresto ng Sandiganbayan was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882