Kinasuhan ng Ombudsman ang dating alkalde ng Amadeo, Cavite
Kaugnay ito sa kasong malversation of public funds dahil sa paggamit ng halos Dalawang Milyong Pisong public funds sa kaniyang pansariling benepisyo
Ayon sa Ombudsman nakipag sabwatan si dating Mayor Albert Ambaga, Jr. kina dating Municipal Treasurer Jaime Rosales at dating Assistant Municipal Treasurer Alma Ambat para gamitin ang nasabing pondo sa kanilang sariling interes
Nag rekomenda naman ang prosecutors ng piyansang tig 40 Thousand Pesos para sa kada isang akusado
Una nang na convict ng Sandiganbayan si Ambagan sa dalawang kaso ng homicide at na sentensyahan ng hanggang labing dalawang taong pagkakakulong sa pagpatay sa isang pulis at kaanak nito nuong 2004 subalit na acquit nuong isang taon
By: Judith Larino / Jill Resontoc