Kinasuhan ng Graft sa Sandiganbayan ang dating Alkalde ng Buenavista, Agusan Del Norte dahil sa pagkakasangkot nito sa Multi-Million Peso Fertilizer Scam.
Isinampa ng Ombudsman ang reklamong paglabag sa section 3 ng Republic Act Number 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay dating Buenavista Mayor Percianita Racho.
Kapwa-akusado ni Racho sa kaso si Lucio Lapidez ng Feshan Philippines Inc.
Nag-ugat ang kaso makaraang aprubahan ni racho ang pag-disburse ng 3 milyong Piso mula Abril hanggang Agosto 2014 para sa procurement ng 2,000 bote ng Bio-nature Liquid Fertilizer mula sa Freshan.
Iginiit ng Office of the Special Prosecutor na hindi ito dumaan sa public bidding at malinaw na paglabag ito sa Republic Act Number 9184 o Government Procurement Reform Act.
By: Meann Tanbio