Patay ang dalawa katao sa isinagawang search warrant operation sa Cotabato City kaninang madaling araw.
Nakilala ang mga nasawi na sina Talib Abo, dating alkalde ng Parang, Maguindanao at kapatid nitong si Bobby Abo, kapwa residente ng lungsod.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM Regional Director Juvinal Azurin, ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng PNP-12 Regional Mobile Force, PNP-Special Action Forces Battalion, PDEA-12 katuwang ang City PNP ang apat na bahay ng pamilya Abo.
Nanlaban umano sina Abo kaya napilitan ang raiding team na sila’y paputukan.
Naisugod pa ang magkapatid sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit binawian rin ng buhay.
Na-recover sa tahanan ng pamilya ang matataas na uri ng armas at shabu.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa madugong search warrant operation sa kasong may kinalaman sa droga at pagkaroon ng mga iligal na armas.
Details via Net Ortiz (DWIZ GenSan Correspondent)