Nasa kustodiya na ng PNP-CIDG ang dating alkalde ng Science City of Muñoz sa Nueva Ecija matapos itong maaresto dahil sa kinahaharap na kasong graft.
Nadakip si dating Mayor Efren Alvarez, kapatid ng kasalukuyang alkalde ng siyudad ng pinagsanib na pwersa ng CIDG at Nueva Ecija police sa Bayuga Street, Barangay Poblacion South.
Una nang nagkasa ng manhunt operation ang pulisya para matunton ang kinaroroonan ni Alvarez.
Si Alvarez ay nahatulang guilty ng sandigan bayan noong 2009 sa kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act dahil sa anomalya sa pagpapatayo ng isang shopping mall sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno.