Hinatulan ng Sandiganbayan ng 128 taong pagkakakulong si dating shariff saydona mustapha, maguindanao mayor datu sajid islam ampatuan.
Napatunayan ng 1st division ng Anti-Graft Court na si Ampatuan ay “Guilty Beyond Reasonable Doubt” sa four counts ng Graft at four counts ng Complex Crime of Malversation.
Dahil ito sa pamemeke ng dokumento at pinalabas na ginamit ang P79 million na pondo ng gobyerno upang ipambili ng food supplies, gaya ng sardinas, asukal at isda kahit wala naman talagang binili.
Bukod sa pagkakabilanggo, diskwalipikado na rin habambuhay si Ampatuan na tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan at pinagbabayad din ng P79 million.
Kasalukuyang miyembro si Ampatuan ng Sangguniang Bayan ng Shariff Saydona Mustapha.
Samantala, inihayag naman ni Atty. Glenn Nuestro, Legal Counsel ng dating Alkalde na maghahain sila ng Motion for Reconsideration.