Pormal nang nanumpa si retired Armed Forces Chief Carlito Galvez Jr. bilang Presidential Adviser on the Peace Process.
Pupunan ni Galvez ang posisyon na iniwan ni Jesus Dureza na matatandaang nagbitiw sa pwesto nuon nakaraang taon matapos na masangkot ang ilan niyang deputy sa korupsyon.
Dagdag si Galvez sa listahan ng mga dating military men na ngayon ay nagsisilbi na sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.