Tuloy sa pagsabak sa pagka-senador sa 2016 elections si resigned MMDA Chairman Francis Tolentino.
Ito ay sa kabila ng kontrobersyang kinaharap ni Tolentino kaugnay ng malaswang pagsasayaw ng grupong The Playgirls na naging mitsa upang kanyang ipatanggal ang kanyang pangalan sa senatorial slate ng Liberal Party.
Naghain kanina ng certificate of candidacy si Tolentino bilang independent candidate sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila kasama sina Cavite Governor Jonvic Remulla at lokal na mga opisyal mula sa Cavite.
Ayon kay Tolentino, kanyang itutulak sa senado ang mas mataas na internal revenue allotment at reporma sa lokal na pamahalaan.
By Ralph Obina