Tatakbo sa pagka pangulo sa ilalim ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) si dating NTF-ELCAC Spokesperson Retired Lt. General Antonio Parlade, Jr.
Ito umano ay base sa nakuhang impormasyon ng COMELEC kung saan magsisilbing substitute ni KDP Presidentiable Antonio Valdes ang retiradong heneral.
Gayunman, sinasabing naghain ng kanyang COC si Valdes bilang independent presidential aspirant.
Magugunitang si Parlade ay nag resign mula sa NTF-ELCAC bago pa man mag retiro nitong nakalipas na buwan ng Hulyo.