Pinahaharap sa pagdinig ng Commission on Election (Comelec) si dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema.
Kasunod na rin ito nang ipinadalang subpoena ng Comelec kay Cardema kaugnay sa kasong may kinalaman sa material misrepresentation.
Ito ay matapos ideklara ni Cardema na eligible siyang tumakbo bilang nominee ng Duterte Youth Partylist sa edad na 34.
Binalaan ng Comelec si Cardema na kapag hindi sumipot sa pagdinig sa Disyembre13, ikukunsidera ng komisyon na nagpasya ang dating NYC official na i-wave na ang karapatan niyang maidepensa ang sarili.