Sumakabilang-buhay na si dating Oriental Mindoro Congressman Rey Umali, kaninang umaga.
Ayon kay Cong. Alfonso Umali, kapatid ng dating mambabatas, nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kumplikasyon mula sa Stage 4 liver cancer ang kanyang 63-taong gulang na kapatid na nakatakda pa sanang magdiwang ng kanyang kaarawan sa susunod na buwan.
Sinabi ni Umali na na intensive care unit (ICU) ang kapatid nitong ika-21 ng Disyembre hanggang unti-unting sumama ang kondisyon kung saan kahapon ay nagkaroon na ng bacteria ang atay nito hanggang bumigay na sa cardiac arrest kaninang umaga.
Hindi pa mabatid ni Umali ang mga detalye partikular ang burol ng kapatid dahil hindi pa niya makausap ang maybahay nito. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)