Nakatatanggap na noon pa man ng ‘threats’ o pananakot si dating Pangasinan governor Amado Espino Jr. bago pa man mangyari ang insidente ng pananambang noong Miyerkules.
Ito ang kinumpirma ni Police Colonel Redrico Maranan, hepe ng Philippine National Police (PNP) Pangasinan, dahil nitong mga nakaraang araw aniya ay sumulat sa kanila si Espino kaugnay sa kanyang mga natatanggap na pananakot kaya’t binigyan nila ito ng temporary security.
Makikipag-ugnayan din aniya sila sa PNP-Highway Patrol Group upang matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga narecover na dalawang getaway vehicles ng mga suspek.
Dagdag pa ni Maranan, mayroon na silang tinitingnang persons of interest ngunit nais muna nilang pagtuunan ng pansin ang pangangalap ng ebidensya sa naturang pananambang.