Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Philippine Coast Guard commandant Rodolfo Isorena at tatlong iba pa habang convicted naman ang apat na dating opisyal sa kasong may kinalaman sa iregularidad sa pagbili ng P6-M halaga ng mobile phone cards noong 2014.
Sa desisyon, ibinasura ng anti-graft court ang multiple counts ng kasong paglabag sa Government Procurement Act laban kina Isorena, Commander John Esplana, dating deputy chief for comptrollership Capt. Joeven Fabul, at accounting head Rogelio Caguioa.
Samantala, pinatawan naman ng 10 taong pagkakabilanggo sina Commander Joselito Quintas, Commander William Arquero, Capt. Ramon Lopez, at Maritime Safety Service deputy chief Rommel Supangan.