Inabswelto ng Sandiganbayan 4th Division si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio sa kasong graft at two counts of malversation of public funds.
May kaugnayan ito sa diumano’y pambubulsa ni Sabio ng mahigit P10 milyong pisong ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Batay sa naging desisyon ni Justice Jose Hernandez, walang sapat na ebidensya para i-convict si Sabio sa mga bintang sa kanya.
Matatandaang noong 2011, kinasuhan ng Ombudsman si Sabio matapos umano nitong i-convert for personal use ang P10.35 million pesos na natanggap na remittances ng PCGG mula sa Mid-Pasig Land Development Corporation at mula sa sales ng A. Soriano Corp., na kapwa sine-quester mula sa mga Marcos.
Ikinalugod naman ni Sabio ang pag-abswelto sa kanya ng Anti-Graft Court.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)