Hinatulan ng labing dalawang (12) taon hanggang sa dalawampung (20) taon na pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating PCGG o Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio.
Ito ay matapos na mapatunayan ng 1st Division ng Sandiganbayan na nagkasala si Sabio sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa milyong pisong halaga ng maanomalyang pag-arkila ng mga sasakyan ng PCGG noong 2007 hanggang 2009.
By Krista de Dios
Ex-PCGG Chairman Camilo Sabio hinatulang makulong dahil sa katiwalian was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882