Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating PCSO General Manager Rosario Uriarte sa kasong plunder na nag ugat sa umano’y P 366 million na na-divert na pondo ng PCSO bilang intelligence fund.
Ayon sa Sandiganbayan first division, bigo ang prosecution na maglabas ng bagong ebidensya laban kay Uriarte, kapwa akusado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa nasabing kaso.
Dahil dito, ipinag utos na rin ng Sandiganbayan ang pag-lift ng hold departure order laban kay Uriarte at pagsasauli ng kaniyang bail bond.
Magugunitang 2016 nang ibasura ng Korte Suprema ang plunder case laban kay Arroyo at dating PCSO budget and accounts manager Benigno Aguas dahil sa mahinang ebidensya na iniharap ng Ombudsman.