Patay ang isang dating opisyal ng Presidential Commissions for Urban Poor o PCUP matapos tambangan ng hindi pa tukoy na salarin sa bahay nito sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Abdulrashi Ladayao, dating executive assistant sa Quezon City.
Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Gabriel ng Quezon City Police District Station 5, nangyari ang pamamaril sa bahagi ng Engineering Street kanto ng Manager Street sa Sangandaan.
Aniya, kararating lamang sa bahay ng biktima at pababa pa lamang ng kanyang sasakyan ng bilang pagbabarilin ng naka-mask at helmet na lalaking sakay ng motorsiklo.
Patuloy namang iniimbestigahan ang pamamaril para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilalan ng suspek.