Iginiit ni dating Philippine Ambassador to the United Nations Lauro Baja na “final and executory” ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration case laban sa China.
Ngunit, ayon kay Baja, ang problema lamang ay kung sino ang magsasagawa o magpapatupad ng naturang desisyon.
That’s the problem now of the Philippines, on ways how to enforce the final and executory award of the arbitral tribunal,” ani Baja.
Gayunman, nilinaw ni Baja na hindi pa rin marapat na ituring na “papel lang” ang 2016 arbitral award dahil nakasaad aniya rito ang mga karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na papel lang ang pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 arbitration case laban sa China.
There are provisions there which are very clear on what the Philippines is entitled to under UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea ), what China should not do under UNCLOS, so it’s not really correct to say na ‘it’s a mere piece of paper’, it all depends on how the Philippines will be able to take advantage of what was given,” ani Baja. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais