Bumuhos ang nagpaabot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni dating Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Secretary General Rodolfo Severino, matapos itong pumanaw sa edad na 82.
Matatandaang noong nakalipas lamang na Biyernes nang ianunsyo ng beteranong journalist na si Howie Severino ang tuluyan nang pamamaalam ng kanyang ama dahil sa sakit na may kaugnayan sa Parkinson’s disease.
Maliban sa pagiging opisyal ng ASEAN, nagsilbi din bilang ambassador to Malaysia at undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatatandang Severino sa ilalim ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Kilala rin na isang mamamahayag ang former Philippine envoy na naging daan upang maitatag ang ASEAN Studies Center.
Kabilang naman ang DFA sa nauna nang nagpaabot ng pakikiramay sa pagyao ni Severino na nagsilbi ring consul general sa Houston, Washington D.C., at Beijing, China.