Nababahala na si dating Philippine Medical Association (PMA) President Benito Atienza sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Atienza makaraang makapagtala ng 51, 622 dengue cases simula Enero a – 1 hanggang Hunyo a – 18.
Mas mataas ito ng 45% kumpara sa mga naitala noong parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Atienza, dapat mag-ingat ngayon, kahit mga bata o matanda, nurse at sinuman ay pwedeng magka-dengue.
Nagbabala rin ang dating PMA chief sa publiko laban sa water-borne diseases, influenza at leptospirosis.