Nagpalabas ng kautusan ang Office of the Ombudsman para kay dating Pangulong Noynoy Aquino may kaugnayan sa usapin ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Binigyan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Aquino ng 15 araw para maghain ng komento sa isyu sa DAP.
Matatandaang sa unang desisyon ng Ombudsman hindi kasama si Aquino sa DAP case at si dating Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad lamang ang isinama.
Maliban sa dating Pangulo, pinagkokomento rin ng Ombudsman sa loob ng 15 araw si Abad hinggil sa naturang usapin.
By Meann Tanbio | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)