Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang homecoming concert matapos ang kanyang pagbabalik bilang pribadong mamamayan sa Davao City kahapon.
Inorganisa ang aktibidad na tinawag na “Salamat, Tatay Digong: Homecoming Concert,” ng kanyang mga supporter bilang pagpupugay sa kauna-unahang pangulo mula Mindanao.
Nagpasalamat naman si Duterte sa kanyang mga kapwa Davaoeño sa suporta na kanilang ibinuhos.
Matapos lisanin ang malakanyang, nag-shopping muna ang dating pangulo sa Greenbelt, Makati City.
Eksakto alas-12 ng tanghali kahapon opisyal nagtapos ang anim na taong termino ni Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas.