Nilinaw ng Southern Police District (SPD) na hindi kabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 160 Persons of Interest (POI) sa pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Sa kabila ito ng pagtataka ng kapatid ni ka Percy na si Roy Mabasa, kung nasilip ng PNP ang paglitaw ng pangalan ni Duterte sa mga pinuna o tinalakay ng kanyang kuya sa dami ng episode ng programa nito.
Ayon kay SPD Director, Brig. Gen. John Kirby Kraft, batay sa imbestigasyon wala ang pangalan ni dating Pangulong Duterte sa mga nabanggit o binanatan ni Lapid.
Kinatigan naman ito ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla at binigyang-diin na imposible at maituturing na political issue kung mapabilang ang dating Pangulo sa mga POI.
Nito lamang Lunes ay naghain ng kasong Murder ang PNP at NBI laban kina suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag at iba pa umano nitong kasabwat sa pagpatay umano kay Lapid.