Arestado sa Abu Dhabi ang isang dating pulis na nahaharap sa kasong murder sa bansa.
Kinilala ang suspek na si PO3 Ruben Baliong na una nang nasibak sa serbisyo matapos mag-AWOL (absent without leave).
Si Baliong ay naaresto nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Center on Transnational Crime at INTERPOL dahil sa mga kaso ng pagpatay at physical injury.
Mayroong nakabinbing tatlong arrest warrant kay Baliong na ang huling post ay nasa Mandaluyong City Police Station 3 siya at dawit sa illegal drug trade at isa umanong contract killer.
Si Baliong ay nakaalis ng bansa noong Enero 2019 at nag trabaho sa Abu Dhabi bilang security officer.