Nanindigan si dating Special Action Force (SAF) Chief General Getulio Napeñas Jr., na patuloy nilang hahanapin ang hustisya para sa kanilang mga kasamahang nasawi sa engkwentro sa Mamasapano.
Ayon kay Napeñas, gagawin nila ang lahat ng kaya nila, upang makamit ang hustisya at hindi sila papayag na maging “numero” na lang ang kanilang mga kasamahan.
“Under preliminary investigation na po yung kaso namin sa Ombudsman, I have to keep surviving and I have to move on, mabigat man sa aking puso, heavy hearted ako, challenge po nito na ipaglaban po yung aking mga tauhan kung hindi ipinagtatanggol, ipagpapatuloy ko po na makamit ang kanilang katarungan at pangangailangan lalong-lalo na ang mga napatay na karamihan sa kanila ay breadwinner.” Ani Napeñas.
Masama din ang loob ni dating Special Action Force Chief General Getulio Napeñas Jr., sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) na walang makasuhan para sa ikalawang batch ng mga nasawi sa Mamasapano encounter.
Ayon kay Napeñas, ito ay dahil ang 90 akusado na pinakakasuhan sa naunang batch, ay sila-sila din naman ang pumatay sa puwersa ng seaborn.
Iginiit ni Napeñas na tiyak na hindi makikilala ng seaborn ang mga umatake sa kanila, dahil malayo ang kanilang operasyon.
“Yung grupo na nakipagbakbakan o nag-abang, sabihin na nating nag-ambush doon sa 84th seaborne nung pa-withdraw sila, ay sila din yung grupong nag-massacre doon sa 55th, nang maubos na yung 55th SAF, sila rin yung nag-reinforce at nag-maneuver na inabangan nila yung seaborne, yung encounter nila is at a distance of 50 meters, 100 meters, hindi mo naman bastang makikilala yung kung sino ang taong yun, but we are very sure na sila ay miyembro ng MILF, BIFF at PAGs, na pinipilit nilang hindi daw magkakakilala.” Pahayag ni Napeñas.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc