Nais ring sumabak sa pagka-senador ni dating PNP Special Action Force Director Getulio Napeñas.
Naghain kaninang umaga si Napeñas ng certificate of candidacy sa ilalim ng opposition party na United Nationalist Alliance o UNA.
Pangunahing dahilan ni Napeñas sa pagtakbo bilang senador ay upang mabigyan ang hustisya ang pagkamatay ng 44 niyang tauhan sa Mamasapano noong Enero.
Binigyang diin ni Napeñas na bilang ama ng SAF ay naniniwala aniya siyang responsibilidad niyang ihain o ipakita ang hustisya sa mga kamag anak ng mga nasawi.
Nang tanungin naman kung bakit sa koalisyong UNA siya umanib, sinabi ni Napeñas na si Binay ang unang nagbigay pugay sa SAF at unang nagbigay ng tulong sa mga ito.
By Ralph Obina