Patay ang isang dating Sangguniang Bayan member habang nakaligtas ang tatlong kasama nito sakay nang minamanehong sport utility vehicle sa isang ambush sa Turod Norte, Cordon, Isabela.
Ayon kay Chief Inspector Christopher Danao, hepe ng Cordon Police Station, dead on arrival sa ospital si dating Municipal Councilor Jose Bugbog na nakatakda sanang maghain ng kanyang certificate of candidacy para sa muling pagkandidato sa 2019 elections.
Sinabi ni Danao na kasama ni Bugbog ang tatlong kaibigan niya nang pagbabarilin sila ng tatlong suspek na sakay din ng isang SUV.
Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang balikat at braso.
Batay sa pahayag ng may bahay ni Danao, wala namang natanggap na death threat ang kanyang mister.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.