Inihayag ni dating special assistant to the president Bong Go na sakaling palarin na maupo sa senado, isa sa kanyang unang sisilipin ang juvenile justice law o ang hindi pagkakakulong ng 15-anyos pababa kahit nakagawa ng paglabag sa batas.
Marami aniyang sindikato ang gumagamit sa mga kabataan bilang drug courier dahil batid nilang hindi makukulong ang mga ito kahit mahuli pa ng mga otoridad.
Ayon sa former SAP chief, kawawa ang mga kabataang sinasamantala ng mga sindikato bagama’t aminado siyang ang iba sa mga ito ay hindi na inosente.
Kinumpirma ni Go na isa ito sa mga pinasislip sa kanya ng pangulo na konektado sa kanyang 3-point agenda na paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon.