Hindi pinapasok si Dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kanyang tanggapan sa Quezon City.
Dadalaw umano si Morales sa kanyang mga dating staff sa Office of the Ombudsman ngunit hindi siya pinapasok sa compound ng Ombudsman.
Ikinalungkot ito ng dating opisyal lalo’t wala naman malinaw na paliwanag kung bakit hindi siya pinapasok dito.
Matatandaaan na si Morales ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.