Pinayagan na ng Sandiganbayan si dating senador Jinggoy Estrada na dumalo sa ika-walumpong kaarawan ng amang si dating pangulo ngayo’y Manila mayor Joseph Estrada sa Abril 19.
Ayon sa Sandiganbayan, uubrang lumabas si Jinggoy ng PNP custodial center sa Abril 19 mula alas singko ng hapon hanggang alas onse ng gabi.
Anim na oras ang ibinigay ng Korte para makasama ni Jinggoy ang ama sa birthday celebration nito bagamat una nang hiniling ng dating senador ang labing dalawang oras na paglabas ng kulungan mula Abril 18 para makatulong sana aniya sa paghahanda.
By Judith Estrada-Larino