Patuloy ang pagpapa kondisyon ni dating Senador Manny Pacquiao para sa kanyang laban kay Dy Koo.
Kasunod na rin ito nang pagdating ni Pacman sa South Korea para sa kanilang exhibition game ni Dy sa Korea International Exhibition Center sa December 10.
Si Pacman ay sinalubong ng ilang Pinoy sa Korea at maging ang mga korean nationals na nakipag selfie pa sa dating senador.
Ang mapapanalunan ni Pacquiao ay ido-donate nito sa charity.