Hiniling ni dating Senador Ramon “bong” Revilla Jr. sa Sandiganbayan na mabisita sa pagamutan ang kanyang ama.
Sa inihaing urgent motion, sinabi ni Revilla na binabawi na niya ang unang kahilingan sa anti-graft court na payagan siyang makauwi sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite sa December 24 hanggang 25 para sana salubungin ang Pasko.
Sa halip, nais nito na mabisita ang amang si dating Senador Ramon Revilla Sr. na isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City dahil sa severe sepsis at pneumonia.
Samantala, itinakda sa January 12, 2017 ang pagdinig sa kasong plunder ni Revilla.
By: Meann Tanbio