Ibinunyag ni dating Senador Francisco Kit Tatad na nais siyang “patahimikin” ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Tatad, nakatanggap siya ng utos mula sa management ng the Manila Times na magsulat ng huling column niya na ginawa naman niya subalit hindi naman pinublish o inilabas ng diyaryo.
Wala aniyang anunsyo man sa nasabing diyaryo na hindi na sila magko-column.
May kutob si Tatad na ang direktiba ay galing sa Pangulong Rodrigo Duterte at ito aniya ay paraan ng Pangulo para patahimikin siya.
Sinabi ni Tatad na galit na galit ang Pangulo sa mga sinusulat niya sa kaniyang column at may nagparating sa may-ari ng Manila Times na huwag na siyang pagsulatin kaya’t nagpasya na rin ang newspaper management na patahimikin siya.
Binigyang diin ni Tatad na obligasyon ng management ng anumang news institution na protektahan at idepensa ang press freedom.