Umatras na sa kanyang kandidatura para sa paka-kongresista sa fourth district ng Isabela si dating Senador Heherson Alvarez, dalawang araw bago ang eleksyon.
Sa kanyang ipinalabas na pahayag, tinukoy ni Alvarez ang malawakan at talamak na vote buying sa Isabela ang dahil sa kanyang pag-atras.
Sinabi ni Alvarez, hindi niya kayang makibahagi sa isang gawaing sumisira at lumalabag sa napakahalagang karapatan ng bawat Filipino na malayang makapili ng lider sa pamamagitan ng halalan.
Kasabay nito hinimok ni Alvarez ang publiko na itakwil at tutulan ang nasabing gawain na magpapahina sa demokrasya ng bansa.