Umuugong ngayon ang balitang makalalaya na si dating Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong pandarambong kaugnay sa multi-milyong pisong pork barrel fund scam.
Ito’y makaraang aprubahan umano ng 5th Division ng Sandiganbayan ang inihaing petisyon umano ni Estrada na makapaglagak ng piyansa sa kasong kaniyang kinahaharap.
Nagmula umano ang balita mula sa isang source na nagpa-ikot ng blue draft na ikinukonsidera nang final draft ng desisyon bago tuluyang ilabas ng Anti-Graft Court.
Idinagdag pa ng naturang source na sinasabing tatlong hukom ang bumoto pabor sa piyansa ni Estrada habang dalawa naman ang bumoto kontra rito.
—-