Sumakabilang buhay na si dating Senador Leticia Ramos-Shahani dahil sa cancer sa edad na 87.
Napag-alamang nalagay sa intensive care unit (ICU) si Shahani bago ito nalagutan ng hininga pasado alas-2:40 ng madaling araw.
Maliban sa pagiging dating senador, nakilala si Shahani sa kanyang mga karanasan sa mga pandaigdigang isyu.
Naging ambassador ito ng Pilipinas sa Australia, naging Secretary General ng World Conference on the UN Decade of Women sa Nairobi Kenya, naging UN Assistant Secretary General for Social and Humanitarian Affairs at naging Senate President Pro-Tempore noong termino ng kanyang kapatid na si dating Pangulong Fidel Ramos.
By Len Aguirre