Sinintensyahan ng korte ng South Korea ang dati nilang Pangulo na si Park Geun-Hye ng 24 na taong pagkakabilanggo matapos mapatunayang nagkasala sa pag-abuso sa kapangyarihan at coercion.
Tinutukan ito ng mga taga-South Korea lalo’t naka-live broadcast ang ibinabang hatol ng hukuman.
Maliban dito, pinagmulta rin si Park ng labim pitong (17) milyong dolyar.
Sa ruling ng korte, napatunayang nagkaroon ng sabwatan si Park sa matalik nitong kaibigan na si Choi Soon-Sil para pilitin ang mga kumpanyang Samsung at Lotte para magbigay ng milyun-milyong dolyar sa foundation ni Choi.
Binibigyan naman ng pitong araw ang dating Pangulo para maghain ng apela.
Si Park ang kauna-unahang halal na opisyal ng Korea na napatalsik sa puwesto na nagbigay daan para sa isang presidential election na napagwagian ni President Moon Jae-In.
—-