Binawi na ni Partido Reporma president at dating house speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang kanyang suporta kay presidential candidate at Senador Panfilo Lacson.
Sa halip ay susuportahan ng kinatawan ng unang distrito ng Davao Del Norte si Vice President Leni Robredo sa May 9 elections.
Aminado si Alvarez na kahit may mga nasabisiyang masama noon laban sa bise presidente, naniniwala siya sa kakayahan ni Robredo upang maging susunod na pangulo dahil bitbit nito ang tunay na adhikain para sa mga Pinoy.
Nagpasalamat naman si Robredo at nilinaw na wala siyang sama ng loob sa kongresistana dating kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukas anya ang kanilang kampo sa suporta ng Partido Reporma lalo’t iisa lamang ang kanilang hangarin na ayusin ang bansa. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)