Muling ipinabilanggo ng korte sa Estados Unidos si dating Army Intelligence Analyst Chelsea Manning matapos tumangging humarap muli sa grand jury na siyang nag-iimbestiga sa WikiLeaks.
Makaraan ang brief hearing, ipinag-utos ni US District Judge Claude Hilton ang pagpataw ng ‘contempt’ kay manning nang sabihin nitong wala na siyang intensiyong tumestigo pa sa korte.
Ayon kay Manning, naibunyag na niya ang lahat ng kanyang mga nalalaman hinggil WikiLeaks.
Magugunitang noong July 2013 ay napatunayan ng court martial na ‘guilty’ si Manning sa kasong paglabag sa Espionage Act at iba pang kaso makaraang ibunyag nito ang daan-daang libong military at diplomatic documents.