Tuluyan nang tinanggal bilang isang pari si dating US Cardinal Theodore McCarrick matapos mapatunayang guilty sa kasong sexual abuse.
Ginawa ni Pope Francis ang desisyon kasunod ng naging hatol ng korte laban kay McCarrick, na isang power-broker archbishop ng Washington, DC mula 2001 hanggang 2006.
Sa inilabas na statement ng Vatican, sinabi nitong, napakabigat ng nagawang krimen ng dating cardinal dahil sa inabuso nito ang ipinagkatiwala sa kanyang kapangyarihan bilang isang alagad ng simbahan.
Si McCarrrick ang highest profile church figure na na-dismiss mula sa pagiging pari na nakatakda sanang kilalanin bilang kauna-unahang Roman Catholic prelate sa darating na buwan ng Hulyo.
Ayon sa Vatican, malinaw ang mensaheng nais iparating ni Pope Francis sa kanyang ginawang desisyon, na hindi nito sasantuhin ang sinumang nagkasala, kahit pa may mataas na katungkulan sa simbahang katolika.