Isinugod sa pagamutan si dating U.S. President George H. W. Bush matapos na bumaba ang kanyang blood pressure at makaranas ng fatigue.
Ayon kay Jim McGrath, tagapagsalita ni dating pangulo, nagpapahinga ngayon si Bush sa Southern Maine Health Care.
Matatandaan na noong nakalipas buwan ay dalawang linggo ring nanatili sa ospital si Bush dahil sa impeksyon.
Si Bush ay tinaguriang oldest living president sa edad na 93 anyos.
—-