Patay ang isang dating vice mayor ng amulung sa Cagayan matapos tambangan ng mga hindi pa nakilalang suspek kaninang umaga.
Dead on the spot si dating Vice Mayor Alexander Pascual na tinambangan sa Barangay Carig, Tuguegarao City.
Ayon sa report, binabagtas ni Pascual sakay ng kaniyang motorsiklo ang national highway sa Barangay Carig nang dikitan ng mga suspek na sakay ng isang mitsubishi adventure at pinagbabaril ito.
Nakapagmaneho pa si Pascual subalit sinundan ng mga suspek at pinagbabaril pa hanggang tuluyang bumagsak ang biktima.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.
—-