Isinikreto ni dating Vice President Jejomar Binay ang tunay na pangalan ng mga nagdonate sa kanya ng campaign fund nuong eleksyon.
Sa report ng PCIJ o Phil Center for Investigative Journalism, hindi mga donors ang inilagay ni binay sa kanyang statement of contributions and expenditures na isinumite sa Commission on Elections kundi mga fundraising activity organizers.
Batay sa kanyang SOCE, isang Raul de Mesa ang nakakuha ng mahigit sa animmnaput apat na milyong piso mula sa mga inorganisa nyang fund raising activity para kay Binay.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ay mga pagpupulong, luncheon at dinner parties na ang layunin ay makalikom o maka kolekta ng campaign fund.
Gayunman, ayon kay Mazna Lutchavez, attorney four ng COMELEC Finance and Campaign Office, wala silang nakikita problema sa SOCE ni Binay dahil mga totoong tao naman ang nakalista duon.
Ang ipinagbabawal anya ng batas ay kung paglalagay ng anonymous donors.
Ilan pa sa mga nagsilbing fundraiser ni Binay nuong kampanya ay sina cong danilo suarez at negosyanteng si Edgardo Lacson na kapwa nakalikom ng tig limamput isang milyong pisong pondo.
By Len Aguirre